I went to Baguio with my Kuya and his family. Actually sabit lang talaga ako, niyaya nila ako pero nagdalawang isip ako kasi wala pa ako salary that time. Pinilit nila ako sumama para daw makapag unwind ako. To cut the story short, nag change off ako and sumama ako sa Baguio.
12 midnight kami umalis kami ng Manila, medyo na traffic kami sa SLEX, dumating kami ng Baguio before 6pm, ang check in namin sa hotel namin 10:00am pa.
Eksakto may dumaan na nagtitinda ng Strawberry Taho, medyo pricey pero gusto namin matikman so nag try kami. Masarap sya medyo matamis nga lang, kakaiba sa panglasa.
Nag check in kami sa Ibay Zion Hotel which is located beside Minesview Park, super affordable ang hotel, maganda ang accommodating ang mga Staff. Pumayag sila na pumasok kami sa room kahit 9am pa lang. Isang room lang kinuha namin, 2 Beds and extra matress kasi 5 kami. 1 day lang kami mag stay sa hotel, ang total ng binayaran namin almost Php 2,600 pesos, pwede na. May ref naman sya, sulit na, ang pangit lang walang signal ang cphone kasi nasa basement ang mga room nila.
We ate breakfast at Basipop Cafe, sa ibaba lang sya ng hotel namin, masarap ang food nila, highly recommended. Mura na and masarap sya, maganda pa ang ambiance. Ang price, sakto lang, very affordable.
My kuya, his partner and my nephew, ang daming tao sa Minesview Park, hindi kami makasingit para makapagpa picture ng maayos.
After namin maligo, naglibot na kami, hindi kami nag aksaya ng oras kasi 2 days lang kami mag stay sa Baguio, first stop, Burnham Park, nakakatuwa kasi daming nagzu Zumba, then Minesview Park, The Mansion, Wright Park, Botanical Garden and last stop Camp John Hay.
Bumalik kami sa hotel around 6:00pm na, super pagod na kami, naligo then rest na. Nag dinner kami sa Good Taste, heard kasi namin masarap doon at mura, so we decided na mag dinner doon. Naka Php 1200 kami, ang dami ng food, na take out pa namin ang iba. After dinner, nagpunta na kami sa night market, to be honest, na disappoint ako kasi hindi magaganda ang Ukay nila, dalawang blouse lang nabili ko. Hindi ko type mga paninda ng gabi na iyon. Bumalik kami sa hotel ng 12 midnight then sleep na. Super long and productive day naman.
We woke up around 9am na, na late kami ng gising sobrang pagod sa kakapasyal. 12 noon ang check out namin, so breakfast lang then ligo tas check out. Pumunta na kami sa Strawberry Farm, Diplomat hotel and Grotto. Plano namin lumuwas ng Manila around 10pm para iwas traffic pero sobrang late na. Napagkasunduan namin na lumuwas ng 630pm. Chinese New Year that time, tumambay kami sa SM Baguio, doon kami nagpalipas ng oras. Bumili kami ng pasalubong tas uwi na. Dumating kami ng Manila, 12 midnight, sa SLEX na kami nag dinner.
Here are some of our pictures na kuha sa Botanical Garden, Burnham Park, Minesview Park, Diplomat Hotel.
Places need to visit here in Baguio. Actually, it's a must na puntahan
Burnham Park
Botanical Garden
Grotto
Minesview Park
Diplomat Hotel
Wright Park
The Mansion
Good Taste
Usapang Budget naman, may dala kasi kaming sasakyan, more or less 5K to 6K kasama na ang toll fee, gas sa paglibot sa Baguio.
Sa accommodation naman, sa 1 day namin pag stay sa Ibay Zion Hotel, Php 2600 good for 5 persons na.
Sa food naman, sa buong stay namin, around Php1000 pwede na, group meals kami palagi kaya tipid.
Sa pasalubong, maraming mura pwede na ang budget na Php 500 to 1000 kung bibili ka ng Good Shepherd products.
Kung naghahanap kayo ng Budget Friendly na Hotel, highly recommended ko ang Ibay Zion Hotel, katabi lang sya ng Minesview Park.
Ang website nila
http://ibayzionhotel.com/
To sum it up, super enjoy ang Baguio Trip with my Family, bonding and super relax. Super lamig pa as in.
Hope you enjoy my Blog and see you on my next adventure.