Saturday, March 28, 2020

Globe Telecom - HORRIBLE CUSTOMER SERVICE


Last March 26, 2020 nawalan kami ng Internet, I called Globe Customer Service using my Cphone, I dialled 211. Ang tagal bago masagot ang call ko, sobrang tagal ko naka hold. One of the Technical Team informed me na may System Migration daw, magiging part na daw kami ng Platinum. Nagpa transfer ako sa Platinum Department. Unfortunately, walang available agent. The agent promised me na I will receive a call before 6:00PM. Naghintay ako, 11:00PM na wala pa rin tumatawag. 

March 27, 2020, wala pa rin kami Internet, tumawag ulit ako sa Globe Customer Service, iba iba ang sinasabi nila. Sabi sa Platinum Department, may balance daw ako kasi due date ko ng March 26. Nairita ako, sabi ko March 27 pa lang disconnected na agad ang Service namin. Saka may Community Quarantine karamihan nag suspend ng bill. Okay to cut the story short, nagbayad ako using BDO online payment. I called them again, they promise me it would be reconnected 2 to 4 hours. Naghintay ako, 4pm na wala pa rin. I called them again, ang dami nilang sinasabi at hindi nagtutugma sa mga sinabi ng mga previous agents. Dito na nag init ang ulo ko. Work from home ako,  may hinahabol akong deadline, nagbayad na ako so bakit hindi pa rin mareconnect. Never ako na delay sa payment, ngayon lang March kasi hindi makalabas ng bahay at take note 1 day delay lang for God Sake.

Hindi daw sure kung mare reconnect ang daming sinabi, sinagad talaga ang pasensya ko. Nag request ako na makausap ang supervisor, TAKE NOTE... UMUWI na daw, sabi ko 6:08PM pa lang. nakaalis agad sya. May curfew daw kasi, sabi ko Supervisor or Senior Leader, iiwan ang agent nya na nag hahandle ng call??? napaka irresponsible naman. Si agent need na rin umuwi, ni walang nag assist sa kanya!!!!!

Wala rin ako napala, no choice eh, walang may access sa Platinum system. 

March 28, 2020

Around 10AM tumawag ako, yung itinawag ko ng dalawang araw, wala sa record. Walang record ng request for reconnection....FUCK talaga, nagsayang ako ng oras tapos walang ginawang report, sino ang matutuwa. Hold ako ng agent, iche check daw nya....one hour ako naka hold, gigil na gigil na ako...I used my other cphone and I called 211... at around 11:06AM ni release ang call ko, for God sake, One hour ako naghintay then ire release daw ang call ko.

Sa second cphone ko, may nakausap ako na agent, nagpa transfer ako sa Platinum Department. Wala daw record ng call ko, walang report na ginawa. Binigay ko ulit ang reference numnber ng payment ko. Another 24 hours na naman daw. 

Sobrang sinayang ng Globe ang oras ko, 3 days. walang nagawang paraan. Nagbayad na ako then wala pa rin assurance. FU Globe.


I asked them to pull out the recording para malaman nila ang case ko at para malaman nila kung gaano ka POOR ang Service nila. 

Ang bilis nyo mag disconnect ng account pero sa reconnection it will take 3 days. Ang galing mo po Globe. 

Karamihan ng company nag extend ng one month sa payment ng billing dahil sa Lock Out pero kayo advance kayo mag disconnect, katwiran nyo naka program, hindi magagawan ng paraan. Sarap nyong murahin.

Nasayang ang oras ko sa inyo!!!

Improve nyo ang service nyo and be CONSIDERATE, naka Community Quarantine tayo at alam nyong maraming naka Work From Home.

Ayusin nyo pagbi bill nyo and make sure din na i reconnect nyo agad. Ang bilis nyo mag cut ng line pero sobrang tagal nyo mag reconnect.

May experience din ba kayo na ganito sa Globe. Kindly share your Horrible Experience with Globe.




Monday, March 16, 2020

Covid19


It's been a long time since my last Blog. I decided to blog again because I don't have work for almost a week already. Our boss is afraid of the Corona Virus. He said, our health is more important than anything else.

Nasa bahay lang ako maghapon at walang magawa, I decided na mag blog ulit para naman maging productive ang aking araw habang walang work.

Talaga naman nakakatakot ang Covid 19, nag declare na ng Community Quarantine and nag panic buying na ang kapwa ko Pinoy. Ang haba ng pila sa mga grocery, nagkaubusan ng mga alcohol.

Ang daming lumalabas na balita and karamihan naman fake news, hindi mo na alam kung dapat ba paniwalaan or hindi. Dapat maniwala lang tayo sa reliable source at huwag basta basta maniniwala or mag share ng mga news na hindi naman natin alam kung totoo ang balita or hindi.

Para maiwasan natin ang virus, ugaliin maghugas ng kamay, mag alcohol at mag disinfect sa ating bahay.  Kung wala naman po tayong importanteng lakad, huwag na po tayo umalis ng bahay. 

We are praying na maging okay na ang lahat, malalagpasan natin lahat ng pagsubok na ito. Just keep on praying. 

Keep safe po sa ating lahat.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...