Monday, November 16, 2020

Typhoon Ulysses

 


Last November 11, 2020 typhoon Ulysses hit our country Philippines. Many provinces got affected by extreme flood especially Marikina, Rizal province and Cagayan province. I lived in Pasig, around 11:00pm, nag brown out na sa amin at nagsimula ng lumakas ang hangin at ulan. Hindi ako makatulog kasi rinig na rinig ko ang paghampas ng hangin sa bintana namin. Around 4am na ako nakatulog, hindi ko na kasi kaya ang antok ko. Nakatutok ako sa Facebook to get an update and sobrang grabe na ang pinsala ni Ulysses. Binabantayaan na ang Marikina and Pasig River dahil malapit ng umaapaw. Naalala ko tuloy ang bagyong Ondoy, malala din ang pagbaha noon at maraming bahay ang lumubog at maraming kababayan natin ang naapektuhan. 


Pag gising ko ang dami ng balita sa mga apektado ng bagyo at karamihan sa kanila ay humihingi ng tulong para mailikas sila, stranded na ang karamihan at nasa bubong na sila ng kanilang bahay. Nakakadurog ng puso dahil gusto natin tumulong pero wala naman tayo magawa. Pati ang mga animals especially ang mga dogs lubha din naapektuhan, ang iba nalunod kasi hindi sila napakawalan or hindi naalis ang mga tali nila. May buhay din ang mga aso at kung aalisin natin ang mga tali nila, may chance na maka survive sila.




Thank you sa mga volunteer natin, tinataya nila ang buhay nila para makapag ligtas ng ibang tao na nangangailangan ng tulong.



May mga ibang lugar na nagkaroon ng land slide at nagkabitak ang mga lupa, marami din daan na nasira at hindi muna passable sa mga motorista.



Grabe, nakakaawa ang mga naapektuhan ng pagbaha, lubog ang mga bahay nila, karamihan sa kanila, umakyat pa sa mga bubong dahil lubog ang mga first floor ng bahay nila. Ang dami din humihingi ng saklolo habang nasa bubong sila at basang basa ng  ulan.



May mga na rescue na, ang daming tao ang nagtulong tulong para sa mailigtas ang ating mga kababayan. Gumamit sila ng rubber boats, sa Cagayan, hindi na kaya ng rubber boats kaya airlift na ang ginawa para mailigtas ang mga tao. 

Sa Cagayan sobra ang pagbaha dahil nagpakawala ng Tubig ang Magat Dam, ngayon daw ang pinaka malaking baha sa kasaysayan ng Cagayan. Naiintindihan naman natin bakit nagpakawala ng tubig ang Magat, kapag hindi nagpakawala ng tubig at nasira ito, mas marami ang maapektuhan sa Cagayan.

Marami din foundation na nagra raise ng funds para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo, if we have extra money or mga clothes na maayos at hindi na ginagamit, pwede natin i donate. Malaking tulong na rin iyon, though nasa crisis tayo, ang kaunting tulong kapag pinagsama sama, malaki na rin  matutulong nun.

I pag pray na rin natin ang mga kababayan natin na until now hindi pa rin nakaka recover. 

God bless us all.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...