Monday, April 27, 2020

Singapore Trip 2020


Last January 16, 2020, I went to Singapore with my nephew. 3 day and 2 nights. Bitin ang 3 days, kasi  6pm na kami nakarating ng SG, first time ko sa SG, na amaze ako kasi 6pm na ang liwanag pa, sabi ng driver, 8pm raw didilim and late na rin sisikat ang araw. Nag check in kami sa Fragrance Hotel, budget friendly sya and in fairness, maganda sya. Sulit ang bayad.




Day 1

Ang flight namin is 3pm via Cebu Pacific, we arrived in SG around 6pm, sinundo kami ng Van then diretso na sa hotel. Nag bihis lang kami then diretso na sa Light Show by the Bay, 8pm sya medyo na late na kami kasi ang hirap sumakay ng Taxi, we need to buy sim card pa para makapag internet to book Grab.

After ng Light show, nag dinner kami sa Marina Bay Sands, nag gala din kami, ang sarap bumili kung may budget, around 11pm, tapos na kami mag stroll,  ayaw pa sana namin umuwi kaya lang wala na kami gagalaan. We decided to go home na lang, pahinga na sa hotel dahil maaga ang sundo namin kinabukasan.






Day 2

Sinundo kami ng service namin at exactly 9AM, proceed na kami sa Universal Studio, tagal din nag picture taking, we decided na bumili na ng ticket, sobrang haba ng mga pila, nagtiyaga pa rin kami. Pinaka the best ay ang Transformer The Ride, almost one hour kami pumila pero sobrang sulit. Nag roller coaster ang mga kasama ko pero ako hindi, hehehe. Mahiluhin kasi ako. Hinintay ko na lang sila. Kulang ang oras kung lahat ng rides sasakyan mo. Gusto din kasi namin mag Cable Car and need namin humabol. 

Round trip ang kinuha namin from Faber Peak to Siloso Point. I'm afraid of heights pero no choice ako haha. Takot kaya ako sa buong duration ng sakay namin sa Cable Car, sobrang ganda ng view promise. Gabi na ng bumaba kami, sa Gardens by the Bay naman kami nag dinner. Tambay ng kaunti, gusto namin pumunta sa Merlion, from Gardens by the Bay, ang layo ng nilakad namin as in, akala namin malapit lang, more than an hour din kami naglakad, tumambay pa kami sa bridge, picture taking to the max. After ng Merlion, as usual hirap na naman kami makakuha ng grab. Pagdating ng hotel, tulog na agad kasi maaga pa ang City Tour namin kinabukasan.
















Day 3


Sobrang pagod namin sa Universal Studio Tour, late na kami nagising, 9am ang sundo namin, 8am kami nagising, mabilisang paligo and breakfast, hindi ko na natapos ang breakfast kasi irate na si kuya driver, lols.

Hinatid lang kami ng van sa pick up point ng Bus. Marami pala kami na sabay sabay for City Tour. Ang dami din namin pinuntahan and sobrang dami din namin natutuhan sa Tour Guide namin. Half day lang ang City Tour, dapat pupunta pa kami ng Orchard Road pero hindi na talaga kaya ng time. Nag lunch na lang kami sa McDo then sa Airport na lang kami nag ubos ng oras. Last day namin and super bitin talaga. Ang dami namin hindi napuntahan.

Dapat talaga 5 days para sulit talaga. 6pm ang flight namin going back to Manila. 

















Sobrang saya ng SG Tour namin, babalik talaga ako ulit. Hopefully this year and kasama ko na ang kapatid ko and mga tita ko. 


Tour Package ang kinuha namin and super mura talaga. We booked mid 2019 and January ang tour namin. Suggestion ko lang don't book for 3 days sobrang bitin talaga. 5 days para lahat mapasyalan nyo. Also, don't convert din ang currency nila, at first, iniisip ko palagi ang conversion pero kapag ganun hindi mo ma eenjoy hehe. Need natin mag ipon para makain at mapuntahan natin ang ibat ibang pasyalan sa Singapore.

Ang nabili ko sa Duty Free Singapore, Victoria Secret na cologne, chocolates and binili ako ng pamangkin ko ng necklace, christmas gift. 







No comments:

Post a Comment

Thank you for commenting. I will respond when I can, if you are a new follower let me know and leave a link to your blog so I can follow back.


Michie

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...